Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

MMDA enforcer sugatan sa sapak ng luxury car driver

112814 maserati mmdaSUGATAN at duguan ang isang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) makaraan sapakin at kaladkarin ng sinitang driver ng luxury car sa kanto ng Araneta Avenue at Quezon Avenue sa Quezon City kahapon.

Kinilala ang biktimang traffic enforcer na si Jorvy Adriatico. Habang kinilala ang suspek sa pamamagitan ng lisensiya na nakuha mula sa Land Transportation Office (LTO), na si Joseph Russell Ingco ng Valencia Hills, Quezon City.

Ayon sa salaysay ni Rodolfo Fernandez, kasamahan ni Adriatico, ga-ling sa Araneta Ave., ang asul na Maserati Marshall na walang plaka at tinangkang kumaliwa sa intersection ng Quezon Ave., patungong EDSA dakong 6 a.m.

Kinunan aniya ng vi-deo ni Adriatico ang motorista na maaaring ikinagalit ng driver kaya dumiretso na lamang sa U-turn slot.

Nag-dirty finger ang suspek na ikinagalit ng MMDA employee kaya hinamon ang driver na ulitin ito.

Pagsapit sa pakanan ng Quezon Ave., huminto ang Maserati at tinawag ng driver si Adriatico.

Paglapit ni Adriatico, hinablot ng luxury car driver ang kanyang damit saka sinapak.

Pinaandar ng driver ang sasakyan habang nakikipambuno at pag-karaan ay tumakas ta-ngay ang cellphone ng biktima.

Jethro Sinocruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …