NAKAPAGTALA lamang sa 5.3-percent ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa ikatlong quarter ng 2014.
Mas mababa ito kompara sa 6.4-percent na gross domestic product (GDP) growth na naitala sa ikalawang quarter ngayong taon.
Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), mas mababa rin ito kompara sa 7.0 GDP na naitala sa kaparehong panahon noong 2013.
Pinakamalaking nakapag-ambag sa GDP sa ikatlong quarter ang industry sector na lumago ng 7.6-percent, at services sector na may 5.4-percent growth.
Ayon kay NEDA chief Arsenio Balisacan, naitala ang pinakamalaking awas sa sektor ng agrikultura, fishery at forestry na umabot sa (negative) -2.7 percent. Ito na ang pinakamalaking pagbaba sa agriculture sector mula noong huling quarter ng 2009.