Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tambay utas sa 5 construction workers (Upuan sa lugawan pinag-agawan)

081214 Stab deadBINAWIAN ng buhay ang isang tambay makaraan pagtulungang gulpihin at saksakin ng limang construction worker dahil lamang sa agawan ng upuan sa isang lugawan kahapon ng madaling-araw sa bayan ng Binangonan, Rizal.

Kinilala ni Binangonan Police chief, Chief Insp. Bart Marigondon ang biktimang si Daniel Pangan, 27, jobless, ng Sitio tambubong, Brgy. Tayuman ng nasabing bayan.

Habang arestado ang dalawa sa mga suspek na si Mario Maga, 18, at isang alyas Ron, 17, kapwa ng Sitio San Jose, Brgy. Pag-asa.

Patuloy na tinutugis ang iba pang mga suspek na si Roberto ‘Jun’ Delantar, 32, kapatid niyang si Dodoy, 32, at Rey Gonzaga, 20, pawang residente ng Sitio Kambingan, Brgy. Tayuman ng nasabi ring bayan.

Ayon sa ulat, dakong 12 a.m. nang mangyari ang insidente sa Sitio Tambubong, Brgy. Tayuman, Binangonan, Rizal.

Napag-alaman, dumating ang biktima kasama ang tatlong babae para kumain ng lugaw ngunit wala silang maupuan dahil maraming kustomer.

Nang makita ng biktima ang mga suspek na katatapos lamang kumain at nagpapahinga ay tinanong kung tapos na silang kumain na ikinagalit ni Jun Delantar.

Humantong ito sa mainitang pagtatalo hanggang sa kuyugin ng mga suspek ang biktima. Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang mga suspek ngunit agad nadakip ang dalawa sa kanila.

Isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na umabot nang buhay.

Mikko Baylon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …