GENERAL SANTOS CITY – Hindi sinagot ni WBO welterweight champion Manny Pacquiao ang tanong ng media sa press conference, ang kaugnay sa babayarang buwis sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Ayon kay Pacman, ang dapat lamang na pag-uusapan ay kaugnay sa boxing.
Nangyari ito nang sabihin ng Filipino ring icon na handa niyang sagutin ang tatlong tanong kahit natapos na ang oras nang pagtatanong ng mga mamamahayag.
Napag-alaman, naging kontrobersyal ang buwis ni Pacman nang singilin ng BIR sa kanyang hindi nabayarang obligasyon sa gobyerno sa mga nakaraang taon na nagresulta sa pagsampa ng kaso.
Bukod sa buwis na babayaran ni Manny sa laban kay Chris Algieri, wala pang desisyon ang Court of Tax Appeal sa P2 billion income tax assessment.
Sa laban kay Algieri, naging usap -usapan na aabot sa P320 million ang tax ni Pacman kung pagbabatayan ang kanyang $20 million guaranteed prize.