PINAGTIBAY ng Supreme Court (SC) ang disqualification case ni Emilio Ramon “ER” Ejercito bilang gobernador ng Laguna.
Magugunitang unang nagdesisyon ang Commission on Elections (Comelec) na pababain si Ejercito sa pwesto dahil sa overspending noong siya ay nangangampanya.
Ngunit noong Mayo 23, 2014 ay hiniling ng gobernador sa Korte Suprema na pigilan ang implementasyon ng Comelec ruling.
Sa kabila ng pending petition sa korte, itinuloy ng poll body ang pagtatalaga kay Vice Gov. Ramil Hernandez bilang pansamantalang gobernador.
Sa resolusyon ng SC, pinaboran ng 12 mahistrado ang Comelec resolution habang walang pumanig sa kahilingan ni Ejercito.
Leonard Basilio