Friday , November 15 2024

2 todas sa anti-drug raid sa Las Piñas

112514 deadDALAWA ang patay sa pagsalakay ng mga pulis sa hinihinalang drug den sa Brgy. Talon Singko, Las Piñas City kahapon.

Ayon kay Las Piñas Police Chief Boyet Samala, dakong 6 a.m. nang salakayin ng mga awtoridad ang target na bahay para magsilbi ng search warrant ngunit agad silang sinalubong ng mga putok.

Sa pagsiklab ng barilan, napuruhan ang suspek na si Mandy Sulayman Abubakar at isang hindi pa nakikilalang salarin. Isinugod sila sa pagamutan ngunit hindi na umabot nang buhay.

Narekober ng mga pulis sa sinalakay na bahay ang ilang armas kabilang ang dalawang kalibre .45 baril, isang kalibre .22, isang .38 revolver, isang 9MM pistol, isang hand grenade at mga bala.

May nakuha ring isang kilo ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia at limang digital weighing scale ang mga awtoridad.

Ayon kay Samala, ikinasa nila ang pagsalakay makaraan makatanggap ng report na maraming armas sa naturang bahay ni Abubakar.

Jaja Garcia

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *