Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 anak ini-hostage ng naburyong na ama (Biyenan tinaga)

112614 hostage zamboZAMBOANGA CITY – Umabot sa mahigit siyam na oras ang hostage drama sa Zamboanga City bago tuluyang napasok ng mga pulis ang bahay ng isang lalaki at nailigtas ang kanyang dalawang anak na lalaki sa Manggal Drive, Brgy. Baliwasan.

Ayon kay Zamboanga City police director, Senior Supt. Angelito Casimiro, bago nangyari ang pag-hostage ng suspek na si Nur Sakiram Alvarez, 40, kahapon ng umaga, tinaga niya ang kanyang biyenan na si Sara Abdulsaid na agad naitakbo sa ospital.

Nang magresponde ang mga awtoridad ay ini-hostage ng suspek ang kanyang dalawang anak sa loob ng kanilang bahay.

Dakong 3 p.m. kahapon nang gumamit ng tear gas ang mga pulis at SWAT team hanggang sa matagumpay na nakuha ang dalawang anak ng suspek na sina Fahad Sakiram, 15, at si Faizal Sakiram, 14-anyos.

Inihayag ni Casimiro, nagsimula ang hindi pagkakaunawaan ng suspek at ng kanyang biyenan nang malaman na may isinusumbong sa kanyang misis na ngayon ay nagtatrabaho bilang isang oversease Filipino worker (OFW) sa Oman, Qatar.

Lumalabas din ang ibang version na nalaman ng suspek na may iba nang kinakasama ang kanyang misis sa abroad kaya nauwi sa matinding galit ng salarin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …