BUMANAT ng dalawang sunod na panalo at isang draw ang sinulong ni Pinoy grandmaster Julio Catalino Sadorra upang makisalo sa second to 10th spot matapos ang round four ng 2014-UT Dallas Fall Fide Open Chess sa Texas, USA kahapon.
Tabla ang laban ni US-based Sadorra kay GM Andrey Stukopin (elo 2556) ng Russia matapos ang 22 moves ng Queen’s Gambit sa fourth round upang ilista ang tatlong puntos.
Sa round two at three, tinarak ni Sadorra ang dalawang sunod na panalo para manatili ang asam na titulo sa event na ipinatutupad ang nine rounds swiss system.
Pinayuko ni Chess Olympiad veteran Sadorra si FM Daniel Gurevich (elo 2326) ng USA sa loob lang ng 28 sulungan ng King’s Indian Defense.
Sandali lang kinalos ni Sadorra si IM Aman Hambleton (elo 2454) ng Canada dahil umabot lang sa 29 moves ng Nimzo-Indian Defense ang kanilang laro.
Makakaharap ni Sadorra sa fifth round si IM Jeffery Xiong (elo 2467) ng host country.
Samantala, nalasap naman ni Pinay WIM Chardine Cheradee Camacho (elo 2170) ang ikalawang kabiguan para manatili sa dalawang puntos papasok sa round five.
(ARABELA PRINCESS DAWA)