Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

22 sugatan sa bus vs truck sa CDO

112514 cdo accidentUMABOT sa 22 katao ang sugatan sa banggaan ng bus at truck sa Tablon Highway, Cagayan De Oro City, Linggo ng hapon.

Batay sa imbestigasyon, paliko ang truck na may kargang buhangin nang banggain ng Rural Bus sa likuran.

Wasak ang harapan at gilid ng bus.

Isinugod sa Capitol University Medical City ang bus driver na si Danilo Ondap na dumanas nang matinding sugat sa ulo, at 21 pasahero na karamihan ay nagalusan lamang.

Sumbong ng ilang pasahero, bago ang banggaan ay tatlong beses na rin silang muntik maaksidente dahil sa pagmamaneho ni Ondap.

Posibleng kasuhan ng reckless imprudence resulting in physical injuries ang driver.

Beth Julian

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Sa San Rafael, Bulacan
Top 4 provincial level most wanted rapist timbog

Naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaking may kasong panggagahasa sa bisa ng warrant of …

Chopper bumagsak sa Pililla Rizal

Chopper bumagsak sa Pilillia, Rizal; 1 patay, 4 sugatan

DEAD on the spot ang isang indibiwal habang sugatan ang apat na iba pa matapos …

Tondo Riot

Sangkot sa riot sa Tondo, 9 kabataan dinampot

NASAKOTE ng mga awtoridad ang siyam na menor de edad at isang 18-anyos suspek, matapos …

Dead Road Accident

Lady rider patay sa trailer truck

AGAD binawian ng buhay ang isang 58-anyos babaeng rider matapos magulungan ng trailer truck ang …

cal 38 revolver gun

Sa Cubao, QC
Kelot timbog sa bogang ibinongga

ARESTADO ang isang lalaki nang magresponde ang mga awtoridad sa sumbong ng Unified 911 na …