Sunday , November 17 2024

Sadorra, Camacho babanat sa UT Dallas Chess

080514 Chess

NAKATAKDANG sumulong ng piyesa si Pinoy grandmaster Julio Catalino Sadorra para sungkitin ang titulo sa magaganap na 2014 UT Dallas Fall FIDE Open chess sa Texas, USA.

Si Sadorra na ranked no. 2 ay may elo rating na 2596 kung saan ay magiging sagabal sa kanyang landas ang top seed at super GM na si Anton Kovalyov (elo 2617) ng Canada at si third seed GM Leonid Kritz (elo 2593) ng Germany.

Sina Andrey Stukopin (elo 2556) at Nadezhda Kosintseva (elo 2517) ang mga Russian GMs na nasa top 10 sa nasabing tournament.

Tutulak din ng piyesa si Pinay WIM Chardine Cheradee Camacho (elo 2170) sa makikipagsapalaran sa titulo sa event na ipatutupad ang nine rounds swiss system.

Ang ibang GMs na nasa top 10 ay sina Conrad Holt, (elo 2559, USA), Cristhian Cruz (elo 2550, Peru), Giorgi Margvelashvili (elo 2548, Georgia), Kayden Troff (elo 2544, USA) at Ioan-Cristian Chirila (elo 2538, Romania).

May 90 minutes plus 30 seconds increment ang bawat manlalalaro kada laro para tapusin ang laban.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

About hataw tabloid

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *