Monday , December 23 2024

HK journalists blacklisted sa PH (Nambastos kay PNoy)

111314 pnoyHINDI na papayagang makapasok sa Filipinas ang ilang mamamahayag ng Hong Kong na sinasabing nambastos kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa APEC Summit sa Bali, Indonesia noong nakaraang taon.

Magugunitang sinigawan si Aquino ng ilang mamamahayag mula sa Hong Kong at inulan ng tanong ukol sa Manila hostage crisis na ikinamatay ng walong Hong Kong nationals noong 2010. Ikinadesmaya ng Malacañang ang nasabing insidente.

Sa pahayag nitong Sabado, kinompirma ni Bureau of Immigration (BI) Spokesperson Atty. Elaine Tan, isinama sa blacklist ang naturang mga dayuhan nitong Hunyo batay na rin sa rekomendasyon ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA).

”Following normal protocol, the indorsement by NICA resulted to issuance of a blacklist order against the identified fo-reign nationals.”

Ikinatwiran niyang ang isa sa grounds sa pag-blacklist na nakapaloob sa Memorandum Order No. ADD-01-005, ang pambabastos sa isang opisyal ng bansa. “Disrespect or makes offensive utterances to symbols of Philippine authority,” ayon sa BI.

Hindi pinangalanan ng ahensya ang mga blacklisted na Hong Kong journalist.

Nitong Biyernes, nagpahayag ng pagkabahala ang Hong Kong kaugnay ng kaso ng isa nilang mamamahayag na sina-sabing hindi pinapasok ng Filipinas.

Ayon kay Tan, maaari pang matanggal sa blacklist ang isang foreign national.

”If he submits sufficient proof to reverse the blacklist, it may be lifted accordingly.”

Blacklist vs HK journalists inaaral ng palasyo

PAG-AARALAN ng administrasyong Aquino kung mananatili sa blacklist ang siyam Hong Kong journalists na nambastos kay Pangulong Benigno Aquino III sa 2013 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa Bali, Indonesia.

Ayon kay Communications Secretary Hermi-nio Coloma Jr., ang Bureau of Immigration (BI) ang magsasagawa ng “reassessment” sa 9 HK journalists at mangangalap sila ng mga karagdagang impormasyon sa National Intelligence Coordina-ting Agency (NICA) at iba pang ahensiya na maka-pagbibigay nang dagdag na impornasyon.

“BI may initiate and get inputs from NICA and other agencies that can provide relevant information,” sabi ni Coloma.

Nauna nang inilagay ng BI sa blacklist ang 9 HK journalists bunsod ng rekomendasyon ng NICA dahil ang nasabing mga mamamahayag ay nambastos sa isang opisyal ng ating pamahalaan at itinuturing na banta sa se-guridad ng publiko.

Ngunit isang araw makaraan mabulgar ang kautusan at umani ng batikos ay biglang ku-mabig ang Palasyo.

“Our position is that the exclusion should be reassessed given that there was no similar incident during this year’s summit,” pahayag ni Presidential Deputy Spokesperson Abigail Valte nitong Sabado.

Giit ng Foreign Corres-pondents Association of the Philippines (FOCAP), ang pagdedeklara ng NICA sa isang mamamahayag bilang “public safety threat” base sa paraan ng kanyang pagtatanong sa isang Pa-ngulo at walang reklamong naisampa laban sa kanya, ay naghahatid ng pangamba sa mga mamamahayag sa buong mundo.

Dapat anilang klaruhin ng Philippine government kung anong paraan ng pagtatanong sa Pangulo para ituring na banta sa seguridad ang isang mamamahayag.

Ito ang unang pagkakataon na pinagbawalan pumasok sa bansa ang isang mamamahayag base sa kanyang inasal na alinsunod sa pagtupad sa kanyang tungkulin.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *