ZAMBOANGA CITY – Halinhinang ginahasa ang isang 19-anyos dalagita ng kanyang apat na mga kaibigan habang nakikipag-inoman sa Brgy. Guiwan sa Zamboanga City kamakalawa.
Base sa salaysay ng biktima sa mga pulis ng Divisoria police station, sumama siya sa bahay ng isa sa mga suspek at nakipag-inoman hanggang umabot sila ng hanggang 2 a.m.
Kasama siya ng dalawang lalaking suspek na sina Benjamin Pingad y Quijano, 19, at Jose Carlo Angelo Sanson y Perez, 26.
Kasama rin nilang nakipag-inoman ang dalawang bading na hindi pa pinangalanan.
Dahil sa sobrang kalasingan, pumasok siya sa kwarto ng bahay at doon nakatulog at nagising na lamang nang maramdaman ang ginagawa sa kanya ng dalawang suspek.
Sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis, nahuli ang mga suspek.
Pursigido ang dalaga na sampahan ng kasong rape ang mga suspek.
Beth Julian