Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bawal ang mga OTBs malapit sa simbahan at mga eskuwelahan

00 dead heatHindi po ba bawal maglagay o mag-operate ng isang Off-Track Betting Station (OTB) na malapit sa mga ESKUWELAHAN at sa SIMBAHAN?

Nagtataka ang mga residente na malapit sa ZONTEC BAR & GRILL na umano ay isang OTB na malapit sa mga eskuwelahan na matatagpuan sa kalye ng P.Ocampo, Malate, Manila ang nag-ooperate.

Hanggang ngayon nag-ooperate pa rin ang ZONTEC BAR & GRILL OTB samantalang napakalapit ito sa mga eskuwelahan ng St. Lucy Integrated School, Art Building ng Dela Salle at St. Scholastic’s College.

Balita ay malakas daw ito sa isang OPISYAL ng Games and Amusements Board (GAB) kaya ito ay nagbigyan ng Permit to Operate. Malakas din umano ang may-ari nito sa Business Permit ng Manila City Hall .

Hindi po ba mayroon kayong patakaran na BAWAL mag-operate ng isang OTB na malapit sa simbahan at mga eskuwelahan?

Sa Opisyal ng Games and Amusements Board (GAB) kailan daw po ninyo ipasasara ang ZONTE BAR & GRILL TANONG NG MGA RESIDENTE na malapit dito?

ABANGAN PO NATIN!

***

Nakadaopang-palad natin ang isang opisyal ng Samahan ng OTBs dito sa Pilipinas. Ang mungkahi niya ay maging miyembro lahat ang mga may-ari o nag-ooperate ng Off-Track Betting Stations (OTBs).

Kung maraming kasapi ang kanilang samahan ay may lakas loob silang magmungkahi sa mga opisyal ng Horse Racing Industry para sa ikabubuti ng karera dito sa ating bansa.

Ikagaganda at serbisyo sa mga mananaya ang gusto nilang iparating sa mga kinauukulan.

Kung maganda o maayos ang isang OTB ay tiyak pupuntahan ito ng Bayang Karerista.

ANO PA ANG HINIHINTAY N’YO, SALI NA!

***

May isang mananaya na nagmagandang loob na tulungan ang isang waiter ng isang restaurant sa loob ng isang mall.

Nagpapalit ng pera ang waiter dahil kailangan nila ng panukli sa mga customer. Nang bilangin niya ang pinapalit na pera ay kulang ito.

Bumalik ang waiter at sinabi sa taong pinagpalitan niya ng pera na kulang ito. Sa puntong ito ay nagkaroon ng kaunting argumento ang dalawa.

Nadinig ito ng taong nagmagandang loob at tinanong ang waiter. Sabi ng waiter,”Sir hindi po ako marunong magsugal at buntis po ngayon ang asawa ko.”

Naawa yung tao sa sinabi ng waiter kaya binigyan niya ito ng kakulangan ng pera.

NANINIWALA AKO NA MAY MGA TAO PA RIN NA MAY MAGANDANG KALOOBAN!

***

Sa buwang ito ng Nobyembre ay maraming malalaking karera ang ilalarga ng Philippine Racing Commission.

Sa Nobyembre 23, 2014 ay hahataw ang 2014 PHILRACOM Grand Sprint Championship sa karerahan ng Metro Manila Turf Club Inc., Malvar Batangas na may distansiyang 1200 meters.

MATULOY KAYA ITO sa karerahan ng Metro Turf Club?

Sa Nobyembre 30, 2014 ay lalarga dito ang 2014 Philracom Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup na may distansiyang 2000meters.

Parehong may nakalaang malaking premyo ang dalawang karerang bibitiwan.

SUPORTAHAN PO NATIN ITO BAYANG KARERISTA.

***

Nagkalat sa bangketa ang SAKLAAN ng isang Rey Robles na matatagpuan sa Tondo, Manila sakop ng Station 1 MPD. Alam kaya ito ni Mayor ERAP ESTRADA?

***

Sa loob daw mismo ng RAYMOND OTB ay may nag-ooperate ng ILLEGAL BOOKIES. Sa kalye Juan Luna kanto ng Hermosa, Tondo, Manila makikita ang RAYMOND OTB.

SINO KAYANG GAMBLING LORD ang may-ari ng Illegal Bookies?

 

Ni FREDDIE M. MANALAC

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …