BAKIT kaya hindi maawat-awat ang batuhan ng putik at wasakan ng pagkatao diyan sa bakuran ng Bureau of Customs ni Commissioner Sonny Sevilla?
Target kasi ngayon ng isang highly funded and organized demolition job ang isa sa mga trusted aide ng BoC-Intell DepComm. ret. General Jessis Dellosa na si Capt. Cabading, Lt. Col Alcudia, IO Troy Tan at IO Oca Tibayan.
We don’t know Capt. Cabading personally, pero naging interesado tayo sa kanyang istorya nang makapa natin ang mga taong nasa likod ng grand oplan-giba laban sa trusted aide ni Gen. Dellosa. Nakapanayam natin ang isang close family friend na mistah ni Captain Cabading mula sa naval intelligence.
Sinisilip ngayon ang networth ng nasabing opisyal na reflected naman sa SALN ng Kapitan ng AFP. Pati ang pagmamay-ari niyang isang mansiyon sa Tanay, Rizal.
Nakalagay lahat ito sa SALN ni Capt. Cabading since 2008. Na-acquire ang nasabing lupain noong 2001 pa.
House &, lot sa Cubao Quezon City na pag-aari ng pamilya ni Cabading. Series of apartments ito na inilagay nila sa rent-to-own scheme na nag-umpisa noong 1994 at natapos bayaran noong 2009. Unit 3-E lamang (isang unit) ang bilang personal na mapupunta sa kapitan.
No reported resorts in Romblon! Finder’s keeper kung sino ang makapagturo, hamon ng mistah nya. Does’nt know anybody in Romblon ang contention pa ng aide niGeneral Dellosa.
No brand new SUV. Marami silang family vehicles ngunit nasa SALN naman ang mga pag-aari ni Capt. Cabading, ang latest ay isang Ford Everest model 2010 na binili n’ya nung 2010 din.
Walang Land cruiser o Ford Wildtrack si Capt. Cabading. Naunsiyami ang pagbili nya sana sa sasakyang ito dahil ang gusto sanang modelo at kulay na Ford Wildtrack ni kapitan ay hindi available noon sa Ford EDSA showroom.
Take note, pre-approved ng banko, meaning hulugan sana ang magiging mode of payment ng nasabing bibilhing SUV ni Cabading noong February 2013 ngunit November of 2013 na ito naging available sa market. And for delicadeza, binawi na lamang ni Cabading ang kanyang nai-downpayment para sana sa nasabing sasakyan.
Again, para hindi maintriga dahil nasa BOC na ang nasabing opisyal nang mga panahong yaon.
Travel to Dubai and other countries? YES.
Family tradition na nina Capt. Cabading ang magbiyahe sa abroad twice a year since 5 years old pa lamang ang kapitan. Ang Ina at mga kapatid ni Capt. Cabading live in Dubai.
Kaya no’ng nag-asawa si Capt. Cabading, itinuloy lang n’ya ang hilig sa travel with her own kids… naka-tatlong passport na sya, nakapasyal na sila ng pamilya nya sa US, three times with buong pamilya nya, yung official travel , mga three times din sa US. Asawa nya pati kasambahay nya na nag-aalaga sa mga anak nya ay may multiple entry visa sa America. Pinuntahan nila, Hawaii (3x), LA, San Francisco, Las Vegas, Nevada Proper, Arizona, Chicago, Washington DC, North Carolina, Dallas Texas, New Jersey, New York, Seattle, Florida at Guam. Sa Asia, sa Israel, Syria, Jordan (thrice), Kuwait, United Arab Emirates (4 times). Also went to JAPAN, Indonesia (3 times), Malaysia (di na n’ya mabilang dahil sa Kota Kinabalu sya lumilipad nung piloto pa sya), Singapore (8 times), Hongkong (di na mabilang), China (3 x), Cambodia, Vietnam, Thailand, Australia at New Zealand.
Ang masakit nung, December last year meron na silang mag-anak na ticket to USA, ticket acquired July 16, 2013 sa Great Pacific Travel Tours, para sana mag- spend ng Christmas at New Year, hindi sila tumuloy dahil sa mga tsismis/intriga sa Customs. This coming April, schedule nila is Korea.
With Travel Order ba?
YES meron, approved ng AFP, ang detail n’ya sa BOC is renewable every 3 months, kaya nung pumunta s’ya sa Dubai end ng detail n’ya sa BOC, basically, nag leave siya sa AFP, kaya sa AFP s’ya nag apply ng travel hindi sa DOF, dahil ang detail n’ya ulit sa DOF – BOC ay effective Nov 3 pa nag start ulit.
Kung kaya ba ng sweldo nilang mag-asawa ang lahat nang ito?
OO. Dahil bukod sa suweldo, may mga variable investments (12 policies) silang mag-anak sa different banks, naglalaro sa stocks equity, bonds, opportunity at every end of the year, kinukuha ang lahat ng interes at ‘yun ang pangtustos sa darating na taon. (Nasa SALn)
Silang mag-asawa, hindi na-assign sa mga posisyon sa AFP na humahawak ng pera o logistics, puro operations at intelligence lang sila palagi assigned. Marami na dapat businesses na naitayo pero dahil marami silang alagang mga rebel returnees, tinutulungan ng mag-asawa ang mga ito na magbagong buhay, 33 families ang hawak nila at wala silang itinayong foundation, sariling sikap lang at family support lang ang pangtustos. Tinutulungan nila makapag-umpisa ang mga rebel returnee sa business sa pagbibigay ng puhunan at nagiging sa families na ng rebel returnees ang mga small businesses na ito like, shawarma, siomai, karinderia, canteen, micro financing, sari-sari store, tricycle, car wash etc. Karamihan sa mga rebel returnee ay dinala nya dito sa BOC as contractual ng IG at IAG.
Base sa ating impormasyon, isang sinibak na opisyal na nagnganagalang alyas “JARVIS INCHES” ang nasa likod at harap umano ng ‘demolition job’ back up by alyas “KRIS AQUINO” (name sake ng presidential sis) at isang alyas “JIMMY GUNBAN “ na ginagamit ang tanggapan ni BOC-IG Depcomm. Gen. Dellosa sa kanilang smuggling operation.
Nang mabukayo ni Capt. Cabading ang modus ng grupo, lantang talilong na ang delihensiya ng tatlong itlog.
Dito na nag-umpisa at inilunsand ang OPLAN BAKBAK, isang demolition at dirty job operation vs Cabading atDellosa group.
Simple lang naman ang history ni Cabading, isa siyang commercial pilot at hindi sa military na LIBRE sya nagtapos ng flying school kundi sa airlink at sa civilian airlines ng Joya Kinabalu Malaysia.
May kasunod pa!
Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR” Monday to Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]
Rex Cayanong