BEIJING, China – Ipinaaaral pa ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang pagdedeklara ng isang linggong holiday sa Filipinas partikular sa Metro Manila kapag nag-host ang bansa ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Summit sa November 2015.
Ang Beijing na host ng APEC meeting ngayong taon ay nagpatupad ng holiday sa mga paaralan, governmemt offices at ilang pagawaan habang kalahati ng mga sasakyan sa syudad ay bawal sa lansangan.
Hinikayat din ang mga mamamayang magbakasyon sa pamamagitan ng travel package discounts.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sa panayam sa Beijing, nais ni Pangulong Aquino na magsagawa nang malawakang pag-aaral sa panukalang ito sa ilang stakeholders.
Ayon kay Valte, naghahanap din sila ng ibang paraan para maresolba ang traffic congestion sa bansa.
Si Valte ay kasama ng isang team ng gobyerno bilang observers sa APEC Summit sa Beijing.