INIHAYAG ng Palasyo kahapon, tinanggap ng Filipinas ang $300 mil-yong pautang ng World Bank na may interes na mababa pa sa isang porsiyento kada taon na dapat bayaran sa loob ng 25 taon.
Ayon kay Communications Secretary Hermi-nio Coloma Jr., ang $300 milyon ay gagamitin para patatagin ang mga programa at mekanismong may kinalaman sa fiscal transparency at panga-ngasiwa ng pondo ng ba-yan, alinsunod sa hanga-rin ni Pangulong Benigno Aquino III na gawing permanente ang transpormasyon at repormang panlipunan.
Ipinagmalaki niya na ito’y manipestasyon nang tiwala at suporta ng World Bank sa programa ng administrasyong Aquino sa larangan nang ma-buting pamamahala at pagpapahusay ng fiscal transparency.
“Ang nilagdaang kasunduan sa pautang sa World Bank ay magbibi-gay sa Filipinas ng suporta upang palakasin ang mga proyekto at gawaing pambayan (public investment implementation), pagbabawas ng gastusin sa pagtatayo ng negos-yong may kinalaman sa pagtatrabaho at pagbaba sa antas ng kahirapan (reducing the cost of doing business for jobs creation and poverty reduction), paglinang ng kakayahan at kasanayan ng mga mahihirap (developing the human capital of the poor), pag-iisa o paglalagom ng mga naisulong na gawain sa pagpapa-buti ng fiscal sustainabi-lity sa pamamagitan ng pagpalalakas ng kolek-siyon sa buwis, at pagsulong ng integrated fiscal risk management strategy,” aniya pa.
Hindi aniya nakasama sa P2.6 trilyong panukalang budget para sa 2015 ang $300 milyong WB loan.
Batay sa pahayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas kamakailan, umabot na sa $58.1 bilyon hanggang noong nakaraang Hunyo ang utang panlabas ng bansa.
Rose Novenario