Monday , December 23 2024

P70.9-B master plan aprub kay PNoy (Para sa biktima ng Yolanda)  

INAPRUBAHAN na ni  Pangulong Benigno Aquino III ang P170.9-bilyong master plan para sa muling pagtatayo ng mga kabahayan, istruktura, at kabuhayan ng mga sinalanta ng super typhoon Yolanda noong Nobyembre 2013.

Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., 171 lokal na pamahalaan sa anim rehiyon na apektado ng Yolanda ang makikinabang sa 8,000-pahinang master plan na isinumite ni rehab czar Panfilo Lacson.

“Based on the principle of ‘build-back-better,’ [the government will be] focusing on long-term, sustainable efforts to reduce vulnerabilities and strengthen capacities of communities to cope with future hazard events,” aniya.

Nakasentro ang comprehensive plan sa apat na proyektong kinabibilangan ng livelihood, resettlement, social services, at infrastructure.

Ani Coloma, ang resettlement ay paglalaanan ng P75.6 bilyon, pinakamalaking badyet sa apat na proyekto, P35.1 bilyon para sa infrastructure projects, P30.6 bilyon para sa livelihood projects, at P26.4 bilyon para sa social services.

Naantala aniya ang pag-aaproba sa master plan, na noon pang Agosto isinumite ni Lacson, dahil humingi ang Pangulo ng “specific timetables” para sa implementasyon ng mga proyekto.

Ngunit nilinaw niya na matagal nang sinimulan ng pamahalaan ang “rebuilding efforts” sa ilang mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda bago pa man binuo ang master plan.

“According to the Office of the Executive Secretary, the Department of Budget and Management (DBM) has released a P51.98 billion from November 2013 to present, sourced from the National Budget as authorized by the General Appropriations Act,” aniya.

Mahigit 6,200 katao ang namatay,  at P39 bilyon ang halaga ng pinsala sa mga ari-arian ang iniwang perwisyo ng bagyong Yolanda.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *