Monday , December 23 2024

Mercado sinungaling — JV Bautista

103114_FRONT copyINAKUSAHANG sinungaling ng abogadong si JV Bautista ang star witness ng Senate Blue ribbon sub-committee na si dating Makati  Vice Mayor Ernesto Mercado matapos ipakita ni Bautista ang mga dokumentong nagpapatunay na naospital nga si Mercado noong Oktubre a-uno ng taong ito.

Matatandaang hinamon ni Mercado ang kampo ni bise presidente Jejomar Binay noong Oktubre 22 na magpalabas ng ebidensya na magpapatunay na nagpunta siya sa ospital upang magpagamot, kung saan dinalaw siya ni dating Liberal party president Mar Roxas.

Malakas ang umuugong na balitang tatakbo bilang manok sa pampanguluhang eleksyon sa 2016 si Roxas at magiging katunggali ni Vice president Binay. Naghayag na ng kanyang kandidatura si Binay para sa 2016 presidential elections.

Kamakailan lamang inakusahan ni Binay si Roxas bilang utak sa likod ng paninira umano sa kanya nina Mercado. Isang “Oplan Stop Nognog 2016” aniya ang ginawa ng mga alipores ni Roxas upang masiraan siya sa harap ng publiko.

Dahilan sa sinabi ni Mercado na kung mapapatunayan ng kampo ni Binay na siya’y naospital ay ipaaalis niya ang mga sinabi niya sa sub-committee, sinabi ni Bautista na marapat lang na tanggalin na sa records ang lahat ng sinabi ni Mercado.

Ipinaliwanag ni Bautista na sa batas, ang pagsisinungaling sa isang punto ay itinuturing na pagsisinungaling rin sa lahat ng punto ng testigo. Kung kaya’t lahat ng sinabi ni Mercado sa sub-committee ay nabahiran na ng pagsisinungaling.

”Nuknukan ng sinungaling si Mercado. Sa pagmamagandang loob ng ilang mga naniniwala sa ating bise presidente, nabigyan kami ng kopya nitong medical records na nagpapatunay na nitong Oktubre a-uno at a-kuwatro ay nagpaospital si Mercado sa University of the East Ramon Magsaysay (UERM) hospital.

Isisiwalat sana ni Bautista sa harap ng komite ang nasabing ebidensya ngunit pinigilan siya nina Senador Alan Peter Cayetano, Kiko Pimentel at Antonio Trillanes IV.

“They do not want us to appear before the committee and expose the truth about the nature and character of their witnesses. One-sided na ho talaga ang nangyayaring sub-committee hearing,” pahayag ni Bautista sa isang impromptu press conference matapos pigilan siya at si UNA interim president Toby Tiangco na makapagpresinta ng ebidensya hinggil sa Makati city hall building hearing.

Wala umanong intensyong mabalam ang nasabing hearing at tanging ang hangad lamang ni Bautista ay makita ng taumbayan ang katotohanan.

“Kung mga kasinungalingan at mga akusasyong walang basehan lamang ang mapapakinggan ng taumbayan, bakit pa naghe-hearing? Hindi ba ang dahilan ng hearing ay malaman ang katotohanan? Ito ang katotohanan — na nagsasalita ng kasinungalingan si Mercado,” dagdag ni Bautista.

Si Senator Alan Peter Cayetano ang nag-udyok sa kapwa senador na si Koko Pimentel na huwag payagan makapagsalita at makapagpresinta ng ebidensya sina Bautista at Tiangco.

“This is clearly a one-sided hearing. These three senators are showing malice and bad faith. They have willfully excluded us from the hearing. Why? Because they know that we are going to speak the truth this morning,” ani Bautista.

“We were going to show to them and demonstrate to them that all the while ‘yun pong kanilang hearing ay pinamumugaran ng mga sinungaling. Ngayon po, magpapakita lang sana kami ng maigsing PowerPoint, ayaw nila,” aniya.

Sa nasabing medical documents, pinatunayan na nagpunta at nagpa-ospital si Mercado sa UERM bunga ng isang malalang sakit sa puso.

“Ngayon, kung may maipapakita po si Vice President na katibayang ako’y naospital sa alinmang clinic o ospital sa buong Pilipinas, pwede ho akong pumayag na burahin ang lahat ng aking ginawang pahayag dito dahil ang ibig po nung sabihin ako ay sinungaling,” ani Mercado sa Blue Ribbon Committee sa ilalim ng panunumpa noong  Oktubre 22, 2014.

Nagsinungaling din si Mercado nang sabihin niyang 350 ektaryang lupain ang pagmamay-ari ng Sunchamp Real Estate Development sa Rosario Batangas gayong 145 ektarya lamang pala ang nabili ng nasabing kompanya.

Kasinungalingan din ang sinabi ni Mercado na air-conditioned ang babuyan sa loob ng ari-arian gayong mayroon lamang itong temperature control bunga kasi na pang breeding ng mga biik ang nasabing pasilidad.

Isa pa sa kasinungalingan ni Mercado nang sinabi niyang siya ang kumuha ng mga retrato at nagpalipad ng helicopter sa ari-arian ng Sunchamp sa Batangas. Sa pagsisiyasat, mismong tauhan ni Senator Cayetano ang nasasa helicopter.

Para sa UNA, responsabilidad aniya ng komite na subukan kung nagsasabi ng katotohanan ang mga saksing ipinaparada nito sa publiko.

“But clearly, this hearing is one-sided and the three senators will only hear what they want to hear. This is not a forum where the Vice President can air his side. This is a forum for Mercado’s lies,” dagdag ni Bautista.

About hataw tabloid

Check Also

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *