Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Konseho ng Caloocan pumalag sa mataas na bail bond

PINALAGAN ng konseho ng Caloocan ang napakataas na bailbond na iniutos ni Regional Trial Court (RTC) Judge Dionisio Sison sa ha-lagang P100,000 para sa indirect contempt.

Sinabi ni Majority Floorleader Kon. Karina Teh, napakalaki at hindi makataru-ngan dahil mula sa kasong civil na ipinag-utos ng kor-te na magpasa ang konseho ng isang ordinansa para sa pagbabayad sa parcel ng loteng nakuha ng local na pamahalaan sa pama-magitan ng eksproprasyon noong 1996, ngunit ipinagpaliban ang pagpapatupad.

Dahil ito sa naka-pending na kaso sa Court of Appeals na kinukuwestiyon ng konseho ang komputasyon tungkol sa pagbabayad ng kaukulang halaga sa may-ari ng lupa na Recom Realty Corporation.

“Hindi ito makatarungan dahil sobrang taas ng bailbond na ipinataw, nagmumukha na itong paghihiganti dahil ang bailbond ay meka-nismo ng korte na garantiya na ang isang akusado ay kailangang harapin ang kanyang kaso.

At sa tulad namin na nasa serbisyo-publiko, hindi at wala kaming planong magtago sa kasong minana lamang namin sa mga nakalipas na administrasyon,” mariing pahayag ni Caloocan City 1st District Councilor Onet Henzon.

Sinabi niya, ayon sa bailbond guide ng Department of Justice (DoJ), sa armed robbery ay P24,000; sedition – P16,000; adultery – P6,000; assault with physical injuries – P6,000; qualified theft – P24,000; conspi-racy to commit rebellion – P60,000; at forcible abduction – P40,000.

Ang P100,000 na bail ay doble kompara sa mga may kasong kriminal. Sinabi ng mga konsehal na huwag silang sisihin kung nagdududa sila sa tunay na kagustuhan ng judge na nagpalabas nito.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …