PUMANAW na ang dating health secretary at senador na si Juan Flavier, pasado 4 p.m. kahapon.
Binawian ng buhay ang 79-anyos politiko dahil sa multiple organ failure sanhi ng pneumonia, ayon sa manu-gang niyang si Robby Alampay.
Dinala siya sa National Kidney Institute noong Setyembre hanggang siya ay pumanaw.
Kilala si Flavier sa “Let’s DOH it” campaign ng kagawaran, Stop TB campaign, Araw ng Sangkap Pinoy at iba pa.
Siya rin ang kauna-unahang nag-implementa ng HIV prevention program at naging kasangga niya si Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin at ang Simbahang Katolika sa kampanya sa reproductive health.