Friday , November 15 2024

Cebu Pacific kasado na sa Undas

INAASAHAN ng Cebu Paci-fic (CEB), ang Philippines’ leading carrier, ang pagsakay ng 18 porsiyentong dami ng mga pasahero sa panahon ng Undas, kompara nitong nakaraang taon. Pinaalalahanan ng airline ang lahat ng mga pasahero na maging maaga sa paliparan sa peak travel period.

“We recommend that passengers allow enough travel time when going to the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, and anticipate congestion as there is ongoing road work in the surrounding areas of the terminal,” pahayag ni Atty. Jorenz Tanada, Cebu Pacific Vice President, Corporate Affairs.

Maaaring iwasan ng CEB passengers ang mahabang pila sa paliparan sa pamamagitan ng CEB’s self check-in options:

CEB Web check-in sa pamamagitan ng pagbisita sa Manage Booking section ng Cebu Pacific website (http://www.cebupacificair.com). Para sa international flights, ang web check-in ay available mula 72 hours hanggang 4 hours bago ang scheduled flight departure. Ang mga lilipad sa domestic flighs ay maaaring i-tsek ang web dalawang oras bago ang kanilang scheduled departure.

Self Check-in Kiosks sa NAIA Terminal 3 airport at pumili ng domestic airports. Maaaring gamitin ng mga pasahero ang kiosks mula apat na oras hanggang isang oras bago ang scheduled flight departure

Narito ang iba pang paalala sa lahat ng Cebu Pacific passengers bago nag inyong flights.

Ang domestic web check-in guests na may check-in luggage ay maa-aring ibaba na lamang sa web check-in counter, 45 minuto bago ang flight.

Ang International web check-in guests with or without check-in luggage ay kailangan pa rin magpakita sa web check-in counter,  mahigit 45 minuto bago ang flight, upang maibaba ang luggage para sa check-in at ipresenta valid travel documents.

Tandaan na isang hand carry bag lamang (maximum weight is 7 kilos) ang pahihintulutan ng CEB.

Ang liquids, aerosols at gels sa loob ng hand carry bag ay dapat 100 ml or less, at ito ay dapat nakalagay sa clear, re-sealable plastic bag.

Magbayad para sa baggage allowance sa booking, sa options mula 15 hanggang 40 kilos. Dito ay makatitipid ng hanggang 44% kompara sa pagbabayad ng baggage fees sa airport.

Maglagay ng identifiable markers sa inyong check-in luggage, at hand carry valuable items.

About hataw tabloid

Check Also

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *