PINABORAN ng Malacañang ang dagdag na sahod sa mga guro sa buong bansa.
Ginawa ni Communications Sec. Sonny Coloma ang pahayag kasunod ng kilos protesta ng mga pampublikong guro sa Kongreso para humiling ng wage increase.
Sa kasalukuyan, tumatanggap ang mga guro nang mahigit P18,000 kada buwan sa entry le-vel kahit dapat P30,000 para sa disenteng pamumuhay.
Sinabi ni Coloma, nagtutulungan ang Ehekutibo at Lehislatura para matugunan ang nasa-bing hirit ng public teachers.
Ayon kay Coloma, sa kabila ng kakapusan ng pondo, patuloy na kumikilos ang Aquino administration para maiangat ang kabuhayan at kagalingan ng mga guro, gayon din ang ibang kawani ng gob-yerno.
Kailangan aniya ang pagsang-ayon ng Kongreso sa hirit na pagtataas sa sweldo ng mga pampublikong guro.
Rose Novenario