Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 baby girl isinilang ng Caviteña

TATLONG baby girl ang isinilang ng isang 21-anyos ginang sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital.

Dakong 4:30 a.m. kahapon nang isilang ni Maria Teresa Madeja, ng Brgy. Wawa 3, Rosario, Cavite ang tatlong malulusog na sanggol sa caesarian section ng ospital.

Iprinesenta ng mga staff ng DJFMH mula sa Neo-natal Intensive Care Unit, sa mga photo journalist ang tatlong sanggol.

Papangalanan ni Maria Teresa ang mga sanggol bilang sina Josefina Matilde, Josefina  Bonita at Josefina Santina. Ang pangalan ay hango kay San Jose na ibinigay ni Rosario Cavite Mayor Nonong Ricafrente na siyang tumulong kay Madeja at sa mister ni-yang  si Jason para ma-dala sa hospital.

Sinabi ni Maria Teresa, panganay nilang mag-asawa ang triplets at wala siyang kamalay-malay na tatlo ang ipinagbubuntis niya dahil wala siyang abnormalidad na naramdaman sa kanyang katawan sa panahon ng kanyang pagbubuntis.

Aniya, hindi niya ina-asahan na mase-caesarian siya sa kanyang ipinagbubuntis.

Unang inakala ni Maria Teresa na quadruplets ang kanyang ipapanganak ngunit nakompirmang tatlo lamang base sa ultra sounds.

Nasa maayos nang kalagayan ngayon ang nanay maging ang tatlong baby girl.

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …