Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Saludo tayo sa Philracom

SIGURADO tayo na maganda ang naging pag-uusap ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) at Board of Stewards ng Metro Turf noong October 22 sa board meeting ng Philracom.

Katulad ng pangako ng Philracom sa Kolum nating Kurot Sundot, tinalakay sa nasabing board meeting ang kinukomentaryo natin dito na dikit na pagtatapos na hindi idinadaan sa photo finish.

Katunayan n’on ay may sampol na ng pagsunod ang Metro Turf sa kautusan ng Philracom.   Nitong Miyerkoles ay dumaan sa photo finish ang dikit na pagtatapos  ng (No.5) EIONEIONEIONE  at  (No. 6) Mrs. Jer.

At malinaw na ipinakita sa litrato na lamang pa ng isang leeg si Eioneioneione kontra Mrs. Jer.

Sa puntong iyon ay kuntento ang racing aficionados sa naging resulta ng laban lalo na’t yung nakataya sa natalong si Mrs. Jer.

Kung titignan nga kasi, medyo lamang sa camera na ginagamit sa aktuwal na takbuhan ang  Mrs. Jer na nasa  balya  dahil nga sa iba ang anggulo ng camera na ginagamit sa photo finish.

Tutal nakahirit na tayo ng isang ikagaganda ng karera sa Metro Turf, hirit pa tayo na  i-adjust yung camera na kumukuha ng aktuwal na takbuhan na dapat ay naka-align sa camera ng photo finish.   Sa ganoon ay halos may ideya na ang mga mananaya kung sino ang lamang sa dikit na pagtatapos.    Ganoon naman  ang nangyayari sa Sta Ana at San Lazaro, bakit hindi sa Metro Turf?

0o0

Happy birthday kay Sis Gay.   Ang pagbati ay galing kina Chairman Bado Dino, Luz Dino  at Class ’57 ng Torres High School.

Binabati rin natin ng isang buwenas na araw ng pangangarera ang isang grupo ng racing aficionados dito sa Tambunting St. na may pangalang  TAYO TUNAY NA KARERISTA (TATNK)  na kinabibilangan ng mga opisyales at miyembro na sina Jeremy Dela Cruz, Abril Reyes, Crusis Satorini, Carlos Bautista, Rolando Valdez, Mojikiku Pimentel, Billy Baldeo, RJ Macalino, Sir J Lord, Kristopher  Dela Cruz, Christoffer Chico Borres, Fred Javil, Gilbert Custodio, jockey K. S. Bergancia, Jockey Rom Bolivar, Uno’s Pride Youth  at Ric Quijano.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …