ILOILO CITY – Umaabot na sa P80 milyon ang kailangang bayaran ng lungsod ng Iloilo sa Panay Electric Company (PECO) makaraan hindi makabayad ang lungsod sa loob ng mahigit apat buwan.
Ang P80 milyon utang ay kinabibilangan ng electric bill sa city markets, city street lights, city offices at city schools.
May pinakamataas na bayarin ng city markets ay umaabot sa P30 milyon habang ang city offices at street lights ay P50 milyon.
Naghahanap na ang city government ng mapagkukunan ng pondo para mabayaran ang utang sa koryente.
Sa kabila ng malaking utang, hindi nagbanta ang nabanggit na power distributor na putulan ng suplay ng koryente ang city government. (BETH JULIAN)