NAIMPEKSIYON ang ari ng 3-anyos batang babae makaraan dalawang beses gahasain ng kanyang stepfather sa Ilocos Sur.
Naganap ang insidente sa bayan ng Galimuyod sa lalawigan ng Ilocos Sur.
Sa initial medical examinations, nabatid na ang biktima ay nagkaroon ng gonorrhea, makaraan gahasain ilang buwan na ang nakararaan.
Nabatid din sa imbestigasyon, naganap ang panggagahasa habang ang ina ng biktima ay nasa trabaho.
Tiniyak ng ina ng biktima na makikipagtulungan siya sa imbestigasyon.
Samantala, isasailalim ang biktima sa counseling ng Municipal Social Welfare and Development office.
HATAW News Team