HATI ang mga Filipino kung natutupad nga ba ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang ipinangako niyang “Tuwid na Daan.”
Sa Ulat ng Bayan national survey ng Pulse Asia noong Setyembre 8 hanggang 15, 36% ng mga sinurbey o 3 sa bawat 10 Filipino ang hindi sang-ayon na natupad nga ni Aquino ang pangako niyang baybayin ang tuwid na daan.
Habang 29% ang sumang-ayon dito at 34% ang hindi makapagdesisyon.
Nang isagawa ang survey, mainit na balita ang imbestigasyon ng Senado sa kontrobersiyal na Makati City Hall Building II, ang pagkakabasura sa tatlong impeachment complaints na isinampa laban sa Pangulo, ang hiling ni Aquino na mabigyan ng emergency power para matugunan ang nakaambang krisis sa koryente at ang mga panawagan para magbitiw si PNP Chief Alan Purisima na pinupukol na mga reklamo ng katiwalian.