Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mister nagbaril sa sarili (Napundi sa selosang misis)

072514 Suicide Gun dead

ROXAS CITY – Nagbaril sa sarili ang isang 66-anyos mister nang mapundi sa walang katapusang pagseselos ng kanyang misis kahapon ng umaga sa kanilang bahay sa Andrada Subdivision, Brgy. Banica, Roxas City.

Duguan at wala nang buhay nang madatnan ni Sally Alis ang mister na si Romeo Alis, nagbaril sa ulo gamit ang .38 caliber revolver.

Ayon sa anak ng mag-asawa na si Melvin, halos araw-araw nag-aaway ang kanyang mga magulang dahil sa pagseselos ng ina at pagdududa na may ibang babae ang ama.

Ilang araw bago ang insidente ay nagkwentohan ang mag-ama at umamin ang biktima na gusto na niyang magpakamatay dahil nagsasawa na siya sa araw-araw nilang pag-aaway ng misis na selos ang parating pinagmumulan.

Napag-alaman, pupunta sana sa kanilang palaisdaan si Romeo nang humarang sa daan ang misis kaya nagdesisyong ipagpaliban ang lakad.

Pagkaraan ay nagtungo sa kusina ang biktima naupo, itinutok sa ulo ang baril saka ipinaputok. (B. JULIAN)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …