Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Trike driver nabuking si misis at lover (Pasahero inihatid sa motel)

101214 adultery motel

GENERAL SANTOS CITY – Ilang minuto rin naghabulan ang isang mister at ang lalaking nakasama ng kanyang misis makaraan maaktohang nag-check-in sa isang lodging house sa lungsod kamakalawa.

Hindi naabutan ng mister na si Jimmy Quiamco, 42, tricycle driver, ang suspek kaya binalikan na lamang niya ang asawa na si Maribel na humantong sa mainitang pagtatalo.

Sinumbatan pa ni Maribel si Jimmy na sinusundan sa kanyang ginagawa gayong pinabayaan ang kanyang responsibilidad bilang asawa kaya’t naghanap na lamang ng ibang makakasama.

Una rito, nagkataong may inihatid na pasahero si Jimmy sa lodging house nang makita niya ang motor ng asawa na nakaparada sa tapat ng isang pinto sa nasabing lodging house.

Agad tumawag sa himpilan ng pulisya si Jimmy para magresponde ngunit hindi pa man nakararating ang mga pulis ay lumabas na si Maribel at ang kanyang lalaki.

Sinasabing may ‘nangyari’ kina Maribel at sa lalaking kanyang nakasama.

Napag-alaman, ang mag-asawa ay may dalawang anak na 16-anyos at 11-anyos.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …