AMINADO ang isang retiradong Court Appeals justice na hindi pa handa ang bansang Filipinas sa same sex marriage.
Ayon kay dating CA Justice Jose Vitug, matatagalan pa ang pagiging legal ng same sex marriage sa bansa kahit marami nang bansa ang sumang-ayon dito.
Aniya, sa kasalukuyang umiiral na batas, hindi pwedeng magkaroon ng same sex marriage dahil sa Family Code, nakasaad dito na ang lalaki at babae lamang ang maaaring ikasal.
Bukod dito, isinusulong din ngayon sa Kongreso ang panukala na nagsasabing dapat ma-preserba ang kasal ng lalaki at babae.
Maaalalang nitong nakaraan ay sumang-ayon na ang ibang bansa para sa same sex marriage. Una rito, pinayagan ng bansang Netherlands ang same sex marriage noong taon 2000 at sila ang kauna-unahang bansa na nagpatupad nito.
Sunod dito ang Belgium (2003), Canada (2005), Spain (2005), South Africa (2006), Norway (2009), Sweden (2009), Iceland, (2010), Portugal (2010), Argentina (2010), Denmark (2012), France (2013) at Brazil (2013).
HATAW News Team