Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Negosyante tinarakan sa lodging house

090814 knife

LEGAZPI CITY – Hanggang ngayon ay binibigyang pa rin ng lunas sa ospital ang 28-anyos negosyante makaraan pagsasaksakin ng kasama niyang driver sa isang lodging house sa Tabaco City, Albay kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Oliver Victa y de Jesus, tubong Bulacan.

Sa ulat mula sa Tabaco City Police Station, napag-alamang kapwa nakainom ang biktima at ang kasama niyang driver na si Virgilio Aquino, Jr., nang pumasok sa isang lodging house para magpalipas ng gabi.

Ilang sandali lamang ang lumipas nang magkainitan ang dalawa sa loob.

Dito na pinasok ng mga empleyado ng nasabing lodging ang dalawa at nakitang nakabulagta at duguan ang biktima.

Sa kwento ng suspek na si Aquino, nagpapaalam lamang siyang umuwi sa kanilang bayan sa Camarines Norte ngunit hindi pumayag ang biktimang si Victa.

Dahil dito, nagdilim aniya ang kanyang paningin kaya inundayan ng saksak ang kasama.

Sa ngayon ay nakakulong na ang suspek habang kritikal pa rin sa ospital ang biktima.

Ang dalawa ay matagal na rin nagkakasama dahil sa pagde-deliver ng ibinebentang kandila sa mga katabing lalawigan.

Ang biktima ay napag-alamang anak ng may-ari mismo ng kompanya ng pagawaan ng kandila sa kanilang lugar.

 

PAHINANTE NATODAS KAHIHINTAY SA DRIVER

PINAGBANTAY lamang ng kanilang delivery truck ang isang helper ngunit patay na nang datnan ng kanyang driver kamakalawa ng hapon sa Malabon City.

Kinilala ang biktimang si Alvin Tolentino, 33, residente ng 441 PNR Compound, Brgy. 73, Caloocan City, naninigas na ang katawan nang matagpuan sa loob ng binabantayang delivery truck.

Batay sa ulat ni PO1 Jimmy Delgado, dakong 2:50 p.m. nang makita ang bangkay ng biktima sa loob ng nakaparadang truck sa kanto ng Honradez St., Brgy. Tugatog ng nasabing lungsod.

Salaysay ng driver na si Andy Lopez, iniwan niya ang kanyang helper bago mag-12 p.m. upang umuwi sa kanilang bahay sa M.H. Del Pilar St., Brgy. Tugatog at binilinan na bantayan muna ang kanilang truck.

Nagulat na lamang si Lopez nang puntahan siya ni Enrico Yuzon, 42, na kapitbahay at sinabing nakitang wala nang buhay si Tolentino.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad kung sadyang namatay ang biktima o may naganap na foul play.

(ROMMEL SALES)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …