Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gutom na kelot nagbigti (Kanin ipinagdamot ng ina)

080614 bigti

NAGA CITY – Labis ang pagsisisi ng isang ina makaraan magpakamatay ang 27-anyos anak na lalaki nang hindi niya bigyan ng kanin kamakalawa sa Iriga City.

Hindi makapaniwala si Preciosa Velasco na magbibigti ang kanyang anak na si Abundue Bermudez dahil lamang hindi niya nabigyan ng kanin.

Una rito, umuwi ng hatinggabi ang biktima at kumatok sa bahay ng kanyang ina upang humingi ng kanin dahil nagugutom.

Nagalit ang biktima nang walang naibigay na kanin ang ina at nagtatampong sinabi na konting kanin lang ay ipinagdadamot pa niya.

Sinabi pa niya sa ina na kinabukasan ay aalis na siya bago tumalikod at umuwi sa kanyang bahay na kaharap lamang ng tahanan ng kanyang ina.

Walang kaalam-alam si Velasco na pagdating sa kabilang bahay ay kinuha ni Bermudez ang lubid ng duyan at itinali sa kanyang leeg.

Huli na nang matagpuan niya kinaumagahan na wala nang buhay at nakabitin na ang katawan ng biktima sa nasabing bahay.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …