INIHAYAG ng Department of Education (DepEd), tatanggap sila nang mahigit 39,000 guro para sa 2015-2016 na pinaglaanan nang malaking bahagi ng P365 billion budget ng ahensiya sa susunod na taon.
Sinabi ni Education Secretary Armin Luistro, ang DepEd ay kukuha ng kabuuang “39,066 new teachers in 2015 with a budget of about Php 9.5 billion.”
Kabilang sa hiring program ang locally-paid teachers “who are eligible and are included in the ranking.”
Sa kasalukuyan, ang Local School Board (LSB) ang nangangasiwa sa Special Education Fund (SEF) ng LGU at ito ang ‘in-charge’ sa LSB-hired teachers.
Ipinunto ni Luistro, mayroong 18,447 LSB-hired teachers ang nakapasok sa national plantilla sa nakaraang dalawang taon – 12,901 ang tinanggap noong 2013 at 5,546 guro noong 2014.
“There are only 4,036 remaining LSB-hired teachers who are qualified but have not yet been absorbed,” dagdag ni Luistro.
Bukod sa pagtanggap ng mga guro, sinabi ni Luistro na naglaan din ang DepEd ng P2 billion-budget para sa Human Resource Training and Development para sa 2015.
“Around Php 1.5 billion will [also] be used for retooling of teachers during our summer K to 12 training,” sabi ng kalihim.
(ROWENA DELLOMAS – HUGO)