Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

11-anyos pandesal vendor hinoldap sa Caloocan  

101114 pandesal holdap

HINDI pinatawad ng holdaper maging ang isang 11-anyos batang nagtitinda ng pandesal kamakalawa ng umaga sa Caloocan City.

Hindi makausap nang maayos at nanginginig sa takot ang batang si Mark Christian “Kokey” Santos, sa pagnanais na makatulong sa pamilya ay nagtinda ng pandesal sa kanilang lugar.

Ayon sa ulat ng mga awtoridad, dakong 7:30 p.m. nang maganap ang insidente malapit sa bahay ng biktima sa Resettlement Site, Reform 168, Deparo, Brgy. 168 ng nasabing lungsod.

Sinabi ng biktima, nang makasalubong niya ang hindi nakilalang suspek ay bigla siyang hinawakan at tinutukan ng patalim.

Pwersahan aniyang kinuha ng suspek ang mahigit P200 niyang kinita at tinangay pati ang mga pandesal.

Nagbanta ang suspek na may mangyayari sa biktima kapag nagsumbong kaya sa matinding takot ng bata ay nanginginig na nakatayo lamang sa kalsada hanggang sa makita siya ng mga residente kaya dinala siya sa barangay hall.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …