NAGSUMITE ng ebidensiya ang isang kinatawan Anti-Money Laundering Council kahapon na nagdidiin kay detinedong Senador “Bong” Revilla, Jr., sa money laundering scheme gamit ang pondong nakuha mula sa kanyang pork barrel.
Sa kanyang direktang testimonya, iprinesenta ni Atty. Leigh Vhon Santos, bank investigator ng AMLC, ang 63 page report kaugnay sa findings ng kanilang imbestigasyon sa bank assets ni Revilla.
“Between April 6, 2006 to April 28, 2010, Revilla and his immediate family made numerous deposits to their various bank accounts and placed investments totaling P87,626, 587.63 within 30 days from the dates mentioned in Benhur Luy’s ledger when Revilla, through Cambe, allegedly received commissions of rebates to his PDAF in cash,” pahayag ni Santos.
Si Cambe ay si Atty. Richard Cambe, senior staff ni Revilla, kapwa akusado sa graft and plunder charges na inihain laban sa senador.
Si Cambe ay nakapiit sa PNP Custodial Center, gayondin si Revilla.
Si Revilla ay inakusahan ng pagkamal ng milyon-milyon mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund allocations na ipinasa niya sa bogus NGOs ng negosyanteng si Janet Lim Napoles.
Si Napoles ang itinuturong utak sa nasabing scam.