Friday , November 15 2024

Junjun, konsehales hiniling tanggalin (Hilmarc’s sabit na rin sa Plunder)

100814_FRONTHINILING ngayon ng mga residente ng Makati sa Office of the Ombudsman na tanggalin sa puwesto si Makati Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay at ilang konsehal ng siyudad matapos umanong mapatunayan sa mga dokumentong isinumite nila ang sabwatan sa tong-pats sa Makati Parking Building.

Sa 15-pahinang Consolidated Reply na isinumite kahapon sa Ombudsman, hiniling nina Atty. Renato Bondal at Nicolas “Ching” Enciso VI na isama ang mga opisyales ng Hilmarc’s Construction Corp., sa kasong plunder na nakasampa laban kay Mayor Binay at sa amang si Vice President Jejomar Binay.

Si Bondal at Enciso ang lead convenors ng United Makati Against Corruption (UMAC), isang grupo ng mga taga-Makati na nagsampa ng kasong Plunder laban sa mag-amang Binay kaugnay ng mga kaso ng katiwalian sa kanilang siyudad.

Ayon kay Bondal, napatunayan sa mga dokumentong hawak ngayon ng Ombudsman ang sabwatan ng mag-amang Binay sa mga konsehal, sa Hilmarc’s, sa mga opisyal ng Makati at opisyal ng Commission on Audit (CoA) para patungan ang presyo ng konstruksyon ng Makati Parking Building.

Ang mga dokumentong ito, ani Bondal, ay ibinigay mismo ng mga akusado sa Ombudsman bilang pagtalima sa utos ng nasabing ahensya.

“Napilitan lamang ang mga akusado na isuko ang nasabing mga dokumeto dahil sa utos ng Ombudsman,” ani Bondal.

“Pinatunayan lamang nito ang aming akusasyon na may sapat na ebidensya para suspendihin ang akusado sa salang paglabag sa Plunder Law, Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Gross Abuse of Authority at Gross Neglect of Duty,” dagdag ng abogado.

Kabilang sa nasabing mga ebidensya ang kopya ng city ordinances na ipinasa mula taon 2007 hanggang 2013 para maglaan ng P2.7-bilyong pondo sa pagpapatayo ng Makati Parking Building.

Pirmado ang nasabing mga dokumento nina Konsehal Ferdinand Eusebio, Arnold Magpantay, Romeo Medina, Tosca Puno-Ramos, Maria Alethea Casal-Uy, Ma. Concepcion Yabut, Virgilio Hilario, Monsour del Rosario, Vince Sese, Dr. Nelson Pasia, Salvador Pangilinan, Elias Tolentino, Ruth Tolentino, Henry Jacome, Leo Magpantay, Nemesio “King” Yabut, Armand Padilla, Israel Cruzado, Ma. Theresa de Lara, Angelito Gatchalian at Ernesto Aspillaga.

Kasama ang mga konsehal sa kasong plunder na isinampa laban sa mag-amang Binay na pumirma rin, bilang mga Mayor, sa City Ordinances na hawak ngayon ng Ombudsman.

Bagama’t nakasuhan sa Ombudsman, umamin naman si Aspillaga na tumatanggap siya ng buwanang payola na nagkakahalaga ng P50,000 hanggang P500,000 mula kay Vice President Binay para lutuin ang bidding ng mga proyekto sa Makati.

Bago nahalal na konsehal, naging miyembro ng Bid and Awards Committee at pinuno ng General Services Department Head ng Makati city government nang maraming taon sa panahon ni Mayor Jojo Binay.

“Aaminin ko po iyon ay isang bidding-biddingan lang o moro-moro,” pag-amin pa ni Aspillaga nang gisahin ni Sen. Antonio “Sonny” Trillanes IV sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee.

Sa kanilang consolidated reply sa Ombudsman, naghain din ng motion to implead sina Atty. Bondal at Enciso laban sa mga director at opisyal ng Hillmarc’s Construction Corporation.

Ayon kina Bondal at Enciso, ang overpricing sa pagpapagawa ng Makati City Hall Parking Building ay hindi naganap kung hindi nakipagsabwatan ang mga luma at bagong opisyal ng Hilmarc’s Construction Corp.

Sila ay pinaratangan bilang konspirador sa pandarambong ng pondo ng bayan.

Inilarawan sa reklamo kung paano nakopo ng Hilmarc’s ang lahat ng bidding sa bawat phase ng Makati Parking Building kahit na kitang-kita na overpriced ang halaga ng proyekto.

Batay sa nasabing mosyon, ang proyekto ay maaaring nagawa sa halagang P7,600 per square meter lamang noong 2007 at sa halagang P9,500 per square meter noong 2012.

Ang overprice ay napunta umano sa mga Binay, sa mga nakahablang councilors at sa CoA resident auditor.

Kasama sa mga opisyal ng Hilmarc’s na sinampahan ng Plunder sina Efren M. Canlas, Damian R. Ramos, Ma. Trinitas F. Canlas, Susan C. Ramos, Ma. Shiela R. Dayrit, Edoyuard Ferdinand F. Canlas, Juan Paolo Canlas, Christina Elisse F. Canlas Hak Jin Kim at Roberto B. Henson.

 

 

HATAW News Team

 

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *