Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 paslit inararo ng trak tepok

100514_FRONT

TATLONG paslit ang namatay nang araruhin ng humahagibis na trak habang naglalaro sa tabing-kalsada sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Dr. Jose N. Rodriguez Hospital sanhi ng matinding pinsala sa ulo at katawan sina Jabez Marlo Gestupan, 9; Jerwin Mendoza, 7 at Adrian Boyson, 6, pawang residente sa Brgy. 176, Bagong Silang.

Agad dinakip ang suspek na si Randy Molo, 30, residente sa Quickway St., Barangay Pajo, Meycauayan, Bulacan.

Sa ulat ni PO3 Michael Calora, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong 3:00 p.m., sa kahabaan ng Phase 10B, Block 5, Brgy. 176, Bagong Silang.

Nawiwili sa paglalaro ang mga biktima malapit sa nakaparadang jeep (UVD-879) sa naturang lugar, nang biglang sudsurin ng Fuso Canter (REN-265) na minamaneho ni Molo.

ni Rommel Sales

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …