Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P2.4-M shabu nasabat Tsinoy arestado

080614 drugs shabu arrest

ARESTADO ang isang Tsinoy sa buy-bust operation ng District Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group (DAID- SOTG) at Malabon City Police sa isang fastfood chain sa Caloocan City kahapon ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Mike Tiu, 36, residente ng Brgy. Sta. Lucia Masantol, Pampanga, nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 (Dangerous Drugs Act), nakapiit na sa detention cell ng Malabon City Police.

Batay sa ulat ni Chief Supt. Edgar Layon, Northern Police District (NPD) Director, dakong 12:30 p.m. nang isagawa ang buy-bust operation ng kanyang mga tauhan laban suspek.

Isang nagpanggap na poseur-buyer ang kausap ng suspek at napagkasunduang magbayaran sa loob ng Jollibee food chain sa Araneta Square, Bonifacio Monument Circle.

Nang iabot ang perang nagkakahalaga ng P 2.4 milyon para sa mahigit dalawang kilong shabu na nakalagay sa dalawang zip lock plactic sachet ay agad dinamba ang suspek ng mga awtoridad.

(ROMMEL SALES)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …