NAGBANTA ng kilos-protesta ang samahan ng Customs brokers sa Bureau of Customs (BoC) dahil sa hindi pa rin nasosolusyunang port congestion.
Isa rin itong pagkilos kontra sa unang araw ng pagpataw ng multa sa importers ng mga overstaying na container.
Ayon kay Ray Sulayman, vice president ng Customs Broker Council of the Philippines, imbes solusyunan ang problema sa port congestion ay pinahihirapan lang nila ang mga importer dahil sa kawalan nang maayos na sistema ng Philippine Ports Authority (PPA), BOC at shipping lines.
Giit niya, kaya tumataas ang mga bilihin ay dahil apektado na ang brokers, importers at truckers na pumapasan ng problema sa dagdag na gastusin.