Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

15 estudyante, 2 guro sa Aklan nalason sa cake

OLYMPUS DIGITAL CAMERA

KALIBO, Aklan – Aabot sa 15 mag-aaral mula sa high school at dalawang guro ang nalason sa kinaing cake na gawa sa isang uri ng kamoteng kahoy na niluto bilang bahagi ng kanilang experiment para sa kanilang Science Fair sa Batan, Aklan.

Base sa report, ang mga biktima ay nakaramdam ng pagkahilo, pananakit ng tiyan at pagsusuka makaraan kumain ng cake na gawa sa indigenous root crops.

Agad isinugod ng ilang guro sa pinakamalapit na klinika ang mga biktima nang magreklamo na sumama ang kanilang pakiramdam ilang minuto makaraan kumain ng cake.

Sinabi ng principal na tumangging magpasambit ng pangalan, binigyan ng assignment ang mga estudyante sa third year high school na magluto ng cake na ang harina ay mula sa indigenous source.

Napiling sangkap na tinatawag ng mga Aklanon na rima-rima at kayos na parang gabi ang itsura ngunit nakalalason kung hindi tama ang paghugas at pagluto nito.

Sinabi pa ng principal, hindi sinunod ng mga mag-aaral ang instruction dahil hindi nila ipinaalam sa kanilang adviser ang mga sangkap na gagamitin at sa bahay ng isa sa kanilang kaklase ito niluto.

Mabango aniya ang amoy ng nilutong cake kaya nahikayat ang mga biktima kasama ang dalawang guro na tikman agad ang cake.

Sinagot ng naturang paaralan ang gastos ng mga biktima sa pinagdalhang klinika.

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …