Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pari sinampal ng ginang sa simbahan (Muntik din sagasaan)

100114 face slap sampal kamay

BACOLOD CITY – Kinasuhan ng unjust vexation at threat ng isang pari sa Bacolod Police Station 8 ang isang ginang makaraan siyang sampalin at muntik sagasaan sa loob mismo ng compound ng simbahan.

Ayon kay Father Farley Ray Santillan, parish priest ng San Antonio Abad Church, siya ay dinuro, tinawag na bastos at sinampal ng ginang na kinilalang si Ligaya Lizares, nakatira sa Brgy. 14, Bacolod City.

Dagdag ni Father Santillan, bago umalis ang nasabing ginang sakay ng isang pribadong sasakyan, muntik pa siyang sagasaan.

Hindi nagtagal makaraan umalis si Lizares, dumating ang anak ng ginang at nagsabing sila ang may-ari ng lupang kinatatayuan ng simbahan.

Hindi pa tinutukoy hanggang ngayon kung ano ang pinag-ugatan ng gulo ng mga Lizares at ni Father Santillan.

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …