Saturday , November 23 2024

3 tanker nagliyab sa oil depot

100114_FRONT

TATLONG tanker ang nagliyab at nasunog sa isang oil depot sa Old Panaderos St., Punta, Sta. Ana, Maynila kahapon ng umaga.

Ayon kay Manila Fire Marshall Supt. Jaime Ramirez, nagsasalin ng gasolina ang tanker (CUV 851) sa isa pang tanker (WGU 626) nang maganap ang insidente.

Sa kalagitnaan ng pagsasalin, nag-start ng makina ang driver ng sinasalinang tanker dahilan upang magliyab ang baterya na naging mitsa para magsimula ang apoy.

Nadilaan din ng apoy at nasunog ang isa pang tanker (WMZ 107) na may 10 metro ang layo.

Ayon sa may-ari ng compound ng Petroleum Techonology and Research Corporation na si Enrique Tan, ito ang unang pagkakataong may hauler na nagsalin ng gasolina sa kanyang mga tanker sa loob ng compound.

Iginiit ni Tan na hindi magliliyab ang mas malaking storage tank na malapit sa tatlong nasunog na tanker dahil diesel ang laman nito.

Mabilis na naapula ang apoy dahil sa ginamit na special chemical ng BFP. Tinatayang aabot sa P1 milyon ang halaga ng natupok na mga tanker bukod pa sa halaga ng nasunog na libo-libong litro ng gasolina.

Sa kaparehong compound nagkaroon ng gas leak na nagresulta sa paglilikas ng mga residente dalawang taon na ang nakalilipas.

ni LEONARD BASILIO

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *