Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ex-PBB housemate binugbog ng GF

091714 Nel Rapiz pbb

BACOLOD CITY – Dumulog sa Bacolod Police Station-3 ang dating PBB Season 2 housemate at ngayon local TV host sa lungsod ng Bacolod na si Nel Rapiz makaraan bugbugin ng kanyang girlfriend.

Ang tubong Iloilo na si Ronel Arreza Rapiz, sa totoo niyang pangalan, ay nagpa-blotter ng kanyang reklamo laban sa girlfriend na si Paulette Jean Amador makaraan siyang ipahiya at maltratuhin.

Base sa reklamo ng TV host, naganap ang pag-aaway nila ni Amador sa harap ng nirerentahang bahay ng babae. Pwersahan aniya siyang pinasakay ng tricycle upang dalhin sa presinto ngunit nagmatigas si Rapiz.

Sinabi pa ng dating ‘housemate’, sinuntok siya ng GF na nagresulta sa pagkakaroon niya ng pasa sa kaliwang braso at pagkatanggal ng botones ng kanyang polo shirt at pagkabasag ng kanyang relo.

Binantaan din aniya siya ni Amador na sisirain ang kanyang career sa pamamagitan ng pag-eskandalo sa kanyang show.

Napag-alaman, makaraan ma-evict sa show ay nagtrabaho bilang local game show host sa Bacolod si Rapiz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …