Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lola todas, 3 apo grabe (Bahay inararo ng trak)

TODAS ang isang 53-anyos lola habang sugatan ang tatlong paslit na apo nang suyurin ng rumaragasang trak ang kanilang bahay sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon.

Ayon sa Manila Police District –Traffic Enforcement Unit (MPD-TEU), isinugod sa Gat. Andres Medical Hospital ang mga biktimang sina Prince Go, 3; Janica Timcang, 1; at Althea Timcang, 2 buwan gulang, pawang residente ng Radial Road 10, Tondo, Maynila.

Dead-on-arrival sa Mary Johnston Hospital ang lolang si Lydia Yumul.

Sa ulat ni SPO1 Gene Reyes, ng MPD-TEU, dakong 5:00 p.m. nang mangyari ang insidente sa Radial Road 10.

Minamaneho ng suspek na si Ricardo Balandra, 53, ng Blk. 7, BLC Rawis, Tondo, Maynila ang trailer truck, may plakang TXL-254, pag-aari ng MGCM Trucking Service, nang mawalan ng control, dumeretso sa bahay ng mga biktima.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at serious physical injury ang driver.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …