Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 killer ng couple tiklo

KALABOSO ang dalawang lalaki na responsable sa pagpatay sa mag-asawang negosyante sa ilalim ng tulay sa North Luzon Expressway (NLEX), Pulilan, Bulacan.

Kinilala ang mga suspek na sina Renato Mendoza, 43, ng Brgy. Sta. Cruz, Sta. Maria at  Romnick de Guzman, 25, ng Brgy. San Juan, Balagtas, Bulacan kapwa duck racers.

Ayon kay Bulacan Police director S/Supt. Ferdinand Divina, inaresto ang dalawang suspek sa pagpatay sa mag-asawang Marlon Balajadia at Anna Sarcia, kapwa residente ng Brgy. Dulong Malabon, sa Pulilan.

Nabatid na ang dalawang suspek ay kapitbahay ng mga biktima na matagal nang may alitan sa negosyo.

Dinakip sina Mendoza at De Guzman matapos ituro ng mga residente na may nakita silang dugo  sa mga paa at damit ng dalawang suspek ilang oras nang maganap ang pagpatay sa mag-asawa.

Nang suriin sa Bulacan Provincial  Crime Laboratory ang mga ebidensiya laban sa dalawang suspek, nagpositibo sila kaya kaagad sinampahan ng kasong double murder sa Office of the Bulacan Provincial Prosecutor’s Office.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …