Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

VP Binay 13% tongpats sa Makati projects (P52-M kita sa Phase 1 pa lang ng Parking Building)

091214_FRONT

IBINUNYAG kahapon ni dating Makati Mayor Ernesto Mercado na kumikita ng 13 porsyento si Vice President Jejomar Binay bilang ilegal na komisyon sa lahat ng pampublikong proyekto sa siyudad simula nang manungkulan bilang Mayor.

Sinabi ni Mercado na kabilang dito ang Makati Parking Building na kumita nang hindi kukulangin sa P52 milyon si Vice President Binay sa Phase 1 pa lamang ng proyekto na nagkakahalaga ng P400 milyon.

“Sa bawat proyekto sa Makati, ang aming Mayor (Jojo Binay) ay nakikinabang ng 13 percent. Sa P400-milyon na halaga ng Phase 1 ng Makati Parking Building, kumita siya ng P52 milyon,” ani Mercado sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

Sinabi ni Mercado na ang komisyon ni Vice President ay ibinibigay sa kanya ni Engr. Nelson Morales, dating Vice Chairman ng Makati Bid and Awards Committee, tuwing nakakokolekta sa City Hall ang mga paboritong kontraktor ni Vice President Binay.

Nakalagay umano ang pera sa tatlong bag may “lock” na ibinibigay niya nang regular kay Makati Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay, “Ate” Bebeng Baloloy at “Kuya” Gerry Limlingan.

“Nilagyan na namin ng lock ang mga bag dahil nagrereklamo ang mga Binay na laging kulang ang perang natatanggap nila,” paliwanag ni Mercado.

Ang pera kay Junjun Binay ay para umano sa panggastos ng pamilya Binay, ang pera kay Ate Bebeng para sa personal na panggastos ni Vice President at ang pera kay Limlingan ay para sa pondong pangampanya ng mga Binay.

Ang bag para kay Junjun Binay na may tatak “J” ay personal na inihahatid ni Mercado sa opisina ng batang Binay sa 18th floor ng Makati City, sa opisina ni Vice President Binay o kaya ay sa bahay ng pamilya Binay.

Ang bag naman para kay Ate Bebeng na may tatak “B” ay idine-deliver niya sa opisina ni Vice President Binay sa Makati City Hall o sa Robel mansion sa kanto ng J.P. Rizal at Makati Avenue na tumatayong pribadong opisina ng dating Mayor.

Ang parte naman na napupunta kay Limlingan na may tatak “L” ay ibinibigay sa opisina nito sa kanto ng Mayapis at St. Paul o sa opisina ni Vice President Binay at minsan naman ay ipahahatid na lamang ng drayber sa kotse nito.

Sinabi ni Mercado na hindi pare-parehas ang halaga ng komisyon na naide-deliver niya kay Vice President Binay dahil nakadepende ito sa voucher na nakokolekta ng kontratista ng mga proyekto.

“Minimum P1.2 milyon hanggang P1.5 milyon per bag,” ani Mercado.

“Halos linggo-linggo and delivery ko. Minsan dalawang beses isang buwan, minsan tatlong beses, minsan isang buwan na wala,” dagdag niya.

Sinabi ni Mercado na ang pinakamabigat na bag na nai-deliver niya sa tatlong tagatanggap ni Vice President Binay ay posibleng nagkakahalaga ng P10 milyon.

“Nang lumaon, naisama na rito ang P2.4 milyon na ipinade-deliver ni Dr. Elenita Binay mula sa kontrata sa basura,” anang dating Vice Mayor.

Ayon kay Mercado, personal niyang nalalaman na hindi lamang sa Makati Parking Building kumita si Vice President Binay kundi maging sa Nursing Building at Science High School Building.

Sinabi ni Mercado na pinangakuan siya ni Vice President Binay at Engr. Morales na bibigyan ng P120 milyon para sa kampanya mula sa mga komisyong nakolekta sa mga kontrata.

“Paunti-unti, ang natanggap ko lang ay umabot ng P80 milyon,” pag-amin niya.

“Kaya kong i-describe kung paano inilalagay ang pera sa bag. Nakalagay dito ang listahan, kasama ang project, contractor at kung magkano,” dagdag pa niya.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …