Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Skilled workers kailangan sa mega job fair

NANAWAGAN si Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan sa mga residente na sumali sa magkasunod na Mega Job Fair na gaganapin kung saan prayoridad ang mga skilled workers sa mahigit sa isandaang kompanyang kalahok.

Ayon kay Malapitan, pagkakataon na ito ng kanyang mga kababayan lalo na ang mga may karanasan sa manufacturing, health care, direct company at recruitment agency na makakuha ng maayos at magandang trabaho.

Gaganapin ang Mega Job Fair sa Setyembre 10 sa Caloocan City Hall South; at sa Setyembre 18 sa Caloocan City Hall North mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon. “Hinihikayat po natin ang lahat ng jobseeker na sumali sa mga mega job fair natin, lalo na ang mga may skill at kinalaman sa engineering, programming, marketing and sales, at information technology, etc.” ani Mayor Malapitan.

Aabot sa mahigit 4,000 trabaho dito at sa labas ng bansa ang tinatayang makukuha ng mga karapat-dapat sa naturang event.

“Trabaho at Kabuhayan para sa Maunlad na Caloocan” na tema ay kaugnay ng isinusulong ni Mayor Malapitan na employment at lifetime career para sa lahat ng residente ng lungsod.

Pinayuhan din ang mga maghahanap ng trabaho na magdala ng mas maraming resume upang mas lumaki ang kanilang tsansa na matanggap.

May mga job counsellor din mula sa pamahalaang lungsod na handang tumulong sa mga aplikante at mapayuhan sila kung ano ang nararapat na trabaho para sa kanila.

(rommel sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …