PINASARINGAN ni rehabilitation czar Panfilo “Ping” Lacson sa Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Alan Purisima makaraan ang sunod-sunod na kaso ng krimeng kinasasangkutan ng ilang kapulisan.
Bagama’t hindi direktang tinukoy, sinabi ni Lacson na malaki ang kinalaman ng “leadership by example” sa problema ngayon ng PNP.
“Above all else is the time-honored leadership-by-example principle. It is second to none,” sabi ni Lacson, nagsilbing hepe ng PNP sa panahon ni dating Pangulong Joseph Estrada.
Reaksyon ito ni Lacson sa nabunyag na insidente ng “hulidap” sa Edsa-Mandaluyong.
Dahil dito, marami ang bumabatikos kay Purisima bagama’t siniguro ng Malacanang na nananatiling tiwala sa kanya si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III
Sabi pa ni Lacson na dati ring senador, dapat sumailalim sa matinding “cleansing process” ang pambansang pulisya.
Dapat din aniyang pag-aralang mabuti ang recruitment system ng PNP.