Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Fiera swak sa bangin 13 HS studs patay (3 sugatan)

BAGUIO CITY – Umakyat na sa 13 ang patay sa pagkahulog ng private Ford Fiera sa isang bangin sa bayan ng Bangbangay-yen, Buguias, Benguet dakong 5 p.m. kamakalawa.

Namatay na rin dakong 2:30 a.m. kahapon ang isa pang pasahero na si Charee Bestre, 15-anyos.

Kinilala ang iba pang namatay na sina Aquien, Angie T, 15; Madiano, Jera B, 15; Mayao, Jira Flair M, 15; Basatan, Maricel, 13; Simeon, Sherbeith B. 12; Lestino, Jasmine M., 15; Menzi, Minerva S., 16; Dalisdis, Johnray A., 16; Lamsis, Marifaith A.; Agustin, Mheljoy B, 15; at Bestre, Yvone D., 13.

Kabilang din sa namatay sa insidente ang driver ng sasakyan na si Efren Dalisdis.

Habang nanatili pa rin sa ospital na sina Agyapas, Elejoy O., 17; Bankin, Jamerose, 15; at Latuwed, Rheyshan, 18.

Ayon kay Buguias police chief na si Chief Insp. Fernando Botangen, karamihan sa mga biktima ay mga estudyante ng Poblacion National High School sa Buguias na papunta sana sa Brgy. Amlimay, Buguias, Benguet.

Nabatid sa imbestigasyon, paakyat na binabagtas ng naturang sasakyan (ABF 436) ang kalsada sa lugar nang pumara ang tatlong pasahero upang bumaba.

Napag-alaman, huminto ang sasakyan ngunit bigla itong dumausdus paatras hanggang nahulog sa bangin na tinatayang may lalim na 100 talampakan.

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …