Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinay niluray ng Emirati police official

INAKUSAHANG nanghalay ang isang Emirati police official ng isang Filipina noong Mayo sa United Arab Emirates (UAE).

Base sa ulat ng Khaleej Times, 20-anyos lamang ang opisyal na pulis na nanghalay sa Filipina.

Sa rekord ng korte, namataan ng pulis ang 41-anyos Filipina na nag-aabang ng sasakyan sa Al Warga.  Kanyang hinintuan at inalok na sumakay na pinaunlakan ng biktima nang magpakita ng kanyang police ID.

Nang makuha ang tiwala,dinala ng akusado ang sasakyan sa madilim na bahagi ng Al Warga malapit sa isang construction site kung saan niya hinalay ang biktima.

Kahit nagmakaawa ang biktima at sinabing siya ay matanda na at may mga anak, nagpatuloy sa maitim na balak ang akusado.

Pagkaraan ay inihatid ng akusado ang biktima sa bus stop sa Al Warga at nagbilin na huwag sasabihin kanino man ang insidente.

Samantala, isang police corporal ang nakakita sa kotseng minamaneho ng akusado at nakuha ang plaka nito.

Inihayag sa korte ng naturang corporal na batid niya na ang naturang plaka ay inarkila ng akusado sa isang rental agency.

Nang maaresto noong Mayo 12 ay umamin ang akusado sa panggagahasa.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …